The Creative Life
Create quality ideas and things related to Places, Food, Faith and Lifestyle.
Home
Word of The Day
Quake Tracker
King James
KJV Tag-Lish
AWANA Club
Video Presentations
Creative Ideas
Wix
Flickr
Contact
Pumili ng Wika : בחר שפה : 언어를 선택 : Elige tu idioma : Επιλέξτε τη γλώσσα σας
Thursday, April 30, 2015
Word of the Day
Mapanghusga
MAPANGHUSGA. Sakit ito ng mga taong pakiramdam nila ay alam nila ang lahat. Hindi pa naman nila alam ang buong pangyayari, nagbibigay na agad sila ng kanya kanyang komento kahit hindi naman kailangan o hinihingi. Bunga ito ng marahil sa dalawang bagay:
STEREOTYPING o ang pagbibigay natin ng bansag sa mga taong nakakasalamuha. O ang pagiging prejudice natin sa isang tao. Pag ito talaga ang pinairal mo, walang maidudulot na maganda sa iyoAng bunga ng mentalidad na kung ano ang tumatak sa kanyang isip ay siyang pinaniniwalaan lamang. Paano na lang kung ang nagsabi sayo ng pangyayaring ito ay may dagdag-bawas na ang kanyang mga sinabi? Isa ka pa sa mapapasama hindi ba? “Reseta” hwag magmarunong.Alamin muna ang mga detalye ng isang pangyayari. Kilalanun muna ang mga taong nakakasalamuha at wag kalimutang itikom ang bibig kung wala rin lang namang mabuting maidudulot ang iyong sasabihin.
Lalong lumalala ang sakit na mapanghusga dahil maraming nagmamalinis at ayaw tanggapin na may sakit nga sila. Kung ganito lang din naman ang sitwasyon, hindi malabong magpatuloy ang pagkalat ng sakit na ito sa ating liipunan — inuubuhan ka na sa mukha, nakangiti ka pa rin. Kung defensive ka at tingin mo ay wala namang masamang naidudulot ang sakit mo na sinasabi ko ngayon, edi sige! Maghawaan na lang tayo!
mapanghusga
-
judgmental
- scumbag
No comments:
Post a Comment
Newer Post
Older Post
Home
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment