Pumili ng Wika : בחר שפה : 언어를 선택 : Elige tu idioma : Επιλέξτε τη γλώσσα σας

Wednesday, December 30, 2015

Paniniwala at Tradisyon Sa Pagsalubong sa Bagong Taon



Paniniwala Ukol Sa Bagong Taon

Ito Ang Ilan Sa Mga Tradisyon Na Ginagawa namin Sa Pagpasok Ng Bagong Taon



  • Pagkumpleto ng 12 prutas, pero ang iba lalo na sa fengshui na mas suwerte kung 13 klase ng prutas ang nakahain sa mesa.

  • Paghihip ng bubbles o bulak sa kabahayan.

  • Pagsasabit ng 12 o 13 piraso ng ubas sa pinto at bintana.

      
  • Pagtalon mula ikatlong baitang ng hagdan. 
       
  • Pagsasaboy ng asin sa mga sulok ng bahay para itaboy ang mga malas. 

  • Paglalagay ng bawang/ pitong maliliit na baso ng tubig/ asin/ bulak sa lamesa.

  • Pagtalon kapag nagpapalit na ang taon para tumangkad, ginagawa ito karamihan ng mga bata.

      
  • Pag-iwas sa paggastos kung bagong taon pero ang iba naman ay pagiging galante sa unang araw ng taon.

  • Paglalagay ng barya sa bulsa na kakalampagin pagsapit ng pagpapalit ng taon.


  • Paghahagis ng barya sa mga sulok ng bahay, kasama na ang ilalim ng kama, hagdanan, kusina at sa iba pang sulok ng bahay.

  • Pagsusuot ng kulay pulang damit. Lalo n kung may mga hugis bilog ito.

  • Pagbukas ng mga pintuan, mga bintana, drawer at ilaw sa lahat ng kuwarto ng bahay para maging maliwanag ang buhay ng pamilya sa susunod na taon at pagpasok ng suwerte.

  • Pagpupuno ng mga lalagyan ng tubig, asin at bigas.

  • Paghahanda ng mga pagkain na malagkit sa hapag-kainan tulad ng tiko, suman, sinukmani at palitaw para sa pagpapatibay ng samahan ng pamilya.

  • Paglalagay sa mesa ng isang tasang bigas na may 88 piraso ng coins at pagkatapos ng 3 araw dapat isama sa sinaing ang bigas dahil magdadala daw ito ng suwerte sa pagpasok ng bagong taon.

  • Paghahain din ng mga candy sa lamesa o iba pang matatamis na pagkain kc magdadala ito ng matamis na pagsasama ng bawat pamilya.

 Ang kaugalian na ito ay may layon na mapabuti ang buhay sa bagong taon. Magkaroon ng magaan at banayad na takbo ng pamumuhay, maalwan ang dating ng pera, matatag na pamilya, malusog na pangangatawan, magandang trabaho at marami pang iba. Wala naman siguro mawawala sa atin kung susundin natin ang tradisyon na ito kasi marami sa karamihan isa sa mga bagay na ito ay ginagawa nila sa pagsalubong sa Bagong Taon.


http://oggiecudanin.blogspot.com/2008/12/paniniwala-ukol-sa-bagong-taon.html

No comments:

Post a Comment